NTF-ELCAC Spokespersons General Parlade at Lorraine Badoy pinatatahimik sa isyu ng community pantry

By Erwin Aguilon April 25, 2021 - 01:27 PM

Naglabas ng gag order o pagbabawal magkomento ukol sa mga community pantry ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kina Lieutenant General Antonio Parlade Jr. and Lorraine Badoy na kapwa tagapagsalita nito.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., tumatayong chairman ng NTF-ELCAC, pinagbabawalan pansamantala ang dalawa na magkomento ukol sa mga itinatayong community pantry.

Ito ayon kay Esperon ay upang maalis ang kalituhan sa ginagawang bayanihan ng publiko.

Sabi ni Esperon, “Kapag nagsalita sila akala kasi ng iba, some would take it as the two are against the concept of bayanihan.”

Ipinagtanggol naman ni Esperon ang dalawa at sinabing mayroon ding sariling bayanihan projects ang mga ito sa kanilang mga bayan.

 

 

TAGS: Bayanihan, community pantry, Gen. Antonio Parlade, lorraine badoy, NTF-ELCAC, Bayanihan, community pantry, Gen. Antonio Parlade, lorraine badoy, NTF-ELCAC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.