Tinamaan ng COVID-19 sa PNP halos 20,000 na

Umakyat na sa 19,536 ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa PNP, 141 ang pinakabagong kaso na kanilang naitala kaya nasa 2,065 na ang aktibong kaso nito.

Mayroon naman na isang bagong nasawi kaya sa kabuuan ay 53 na ang namamatay.

128 naman ang bagong gumaling sa COVID-19 kaya umabot na ito sa kabuuang 17,418.

 

 

Read more...