29 na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nananatili

By Erwin Aguilon April 25, 2021 - 09:32 AM

Nakapagtala ng 29 na volcanic earthquakes kabilang ang 23 na volcanic tremors ang Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng isa hanggang 12 minuto.

Mayroon ding 6 na  low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor na nagsimula noon pang 9:05 ng umaga ng April 8, 2021.

Sabi ng Phivolcs, mayroon ding mahinang pagsingaw sa Main Crater lake kahapon ng umaga na may taas na sampung metro.

Nakapagtala rin ng 1,051 na toneladang pagbuga ng sulfur dioxide kada, kahapon.

Nasa 71.8 degrees Celsius na init sa main crater ng Bulkang Taal.

Nagpapatuloy pa rin naman ang pamamaga ng bulkan na nagsimula sa pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.

Dahil dito, sinabi ng ahensya na nagpapakita lamang ang kanilang mga obserbasyon na patuloy ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng  Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.

Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga piloto na lumipad malapit sa bulkan dahil sa pinangangambahang pagsabog nito na maaring magdulot ng pinsala sa anumang sasakyang panghimpapawid.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Batangas, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.