Mga tunnel boring machines na gagamitin sa Metro Manila Subway Project nasa bansa na

By Erwin Aguilon April 25, 2021 - 09:07 AM

DOTr PHOTO

Nasa bansa na ang mga tunnel boring machines (TBM) na gagamitin sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, dumating noong ika-22 ng April 2021 ang dalawa pang TBM.

Pinangalanan nila itong TBM Kaunlaran at TBM Perlas ng Silangan.

Karamihan sa mga main parts ng Metro Manila Subway Tunnel Boring Machines ay kasalukuyang nasa MMSP Stockyard sa Tandang Sora, Quezon City.

Ang mga minor parts naman at ilang accessories nito ay nakalagay sa SFTE-JV Warehouse sa lungsod ng Valenzuela.

Dahil dito, inaasahang magsisimula ang aktwal na paghuhukay para sa Metro Manila Subway Project, na tinagurian ding “Project of the Century”, bago matapos ang taon.

Mayroong 35 kilometrong haba ang subway mula sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Kapag naging fully operational, magiging 40-minuto na lamang ang travel time mula Quezon City hanggang NAIA mula sa kasalukuyang mahigit dalawang oras.

Inaasahan ng DOTr na maseserbisyuhan nito sa initial operation ang 370,000 na mananakay kada araw.

 

 

 

 

TAGS: dotr, metro manila subway, Sec. Arthur Tugade, TBM, dotr, metro manila subway, Sec. Arthur Tugade, TBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.