Residential area sa QC tinupok ng apoy; dalawa sugatan
Dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog sa Road 16, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – NCR nagsimula ang sunog dakong 6:07 gabi ng Sabado.
Nag-umpisa ito sa ikalawang palapag na bahay na pag-aari ni Charlie Dacuyan.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Emmanuel Gaba, 39 anyos na nagtamo ng 1st degree burn sa kamay at paa gayundin si Delia Buatro, 61 taong gulang na nagtamo ng sugat sa kaliwang binti.
Tinatayang aabot sa 30 bahay ang nasunog kung saan nasa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula dakong 7:40 ng gabi.
Nasa P75,000 naman ang iniwang pinsala nito.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.