Itinuturing ng Department of Health na malaking tulong ang National Capital region plus bubble at pagpapatupad ng localized lockdown kung kaya bumaba ang bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Heath Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumaba ang transmission rate sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito ay matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa NCR plus.
Nasa mahigit 9,000 na libong kaso ng COVID-19 na lamang ang naitatala sa mga nakalipas na araw.
Taliwas ito sa mahigit 10,000 kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw nang hindi pa ipinatutupad ang NCR plus bubble.
MOST READ
LATEST STORIES