9,661 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas
By Chona Yu April 24, 2021 - 05:04 PM
Aabot sa 9,661 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw.
Ayon sa ulat ng Department of Health, nasa 89, 485 ang kabuuang bilang ng active cases.
Nabatid na nasa 989,380 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19.
Aabot naman sa 22, 877 ang nakarekober.
Nabatid na 95.9 percent ang mild cases, 1.4 percent ang asymptomatic, 1.1 percent ag severe at 0.8 percent ang critical at 0.7 percent ang moderate.
Sa kabuuan nasa 16, 674 na ang bilang ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.