Nagkabati na sina Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno.
Base sa tweet ni Remulla, sinabi nito na peace na sila ni Mayor Isko at mag-move on na.
“Guys tigil na. Wala kaming away ni Yorme. Peace na kami so let’s move on,” pahayag ni remulla.
Ikinagalit ni Remulla ang komento ni Mayor Isko na wala umanong natanggap na ayuda ang mga taga-Maynila na na-relocate sa Naic, Cavite bunsod ng pandemya sa COVID-19.
Sinabi ni Remulla na masayadong mayabang si Mayor Isko.
Hindi pinatulan ni Mayor Isko ang mga banat ni Remulla.
Sa ngayon, maayos na ang pagkakaibigan ng dalawang opisyal.
MOST READ
LATEST STORIES