BREAKING: Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 860,000

Mahigit 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (April 23), pumalo na sa 979,740 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 102,799 o 10.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,719 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 0.58 porsyento ang moderate; 0.9 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 159 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 16,529 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 13,812 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 860,412 o 87.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...