Personal na humingi ng paumanhin si Pangulong Benigno Aquino III sa pamilya ng mga napaslang na sundalo sa pakikipag-engkwentro sa puwersa ng Abu Sayyaf Group sa Tipo-Tipo Basilan noong Abril 9.
Ito ang kinumrpima ng ilang mga kaanak na nakausap ng Pangulo nang magtungo ito sa Zamboanga City kahapon sa Edwin Andrews Air Base upang ipahatid ang kanyang pakikiramay sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga sundalo ng 44th Infantry Battalion.
Ayon kay ginang Rosalinda Dominguez, tiyahin ni Private First Class Doreen Aspurias, humingi ng ‘sorry’ si Pangulong Aquino sa kanila at nangakong magbibigay ang gobyerno ng tulong.
Tinanggap naman niya aniya ang sinserong paghingi ng paumanhin ng Pangulo.
Karamihan aniya sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo ay humingi ng paliwanag sa Pangulo kung bakit hindi agad na na-rescue ang kanilang mga mahal sa buhay na napapalaban sa Abu Sayyaf.
Idinahilan aniya ng Pangulo ang matinding bakbakan sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro kaya’t hindi agad napasok ng reinforcement at area.
Samantala, ipinaliwanag ni Maj. General Gerardo Barrientos, commander ng 1st Infantry Division, tatanggap ng P250,000 ang pamilya ng bawat nasawing sundalo na magmumula sa Office of the President.
Ito’y bukod pa sa remuneration ng ‘base pay’ ng mga sundalo at P50,000 mula sa Mutual Benefit Fund Association Inc. o MBAI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.