News anchor Bernadette Sembrano, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 23, 2021 - 03:54 PM
Photo credit: @bsaguinaldo/Instagram

Nagpositibo si ABS-CBN news anchor Bernadette Sembrano sa COVID-19.

Inanunsiyo ni Sembrano na positibo siya sa nakakahawang sakit sa kaniyang Instagram account.

Lubos aniya niyang ikinagulat nang malaman ang resulta ng RT-PCR test.

Sinabi nito na asymptomatic siya o walang nararamdamang sintomas.

Hinikayat naman nito ang publiko na magpabakuna at patuloy na sundin ang health protocols para maprotektahan hindi lamang ang sarili, kundi maging ang mga mahal sa buhay.

TAGS: Bernadette Sembrano, COVID-19 positive, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Bernadette Sembrano, COVID-19 positive, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.