Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 145.36 milyon

Pumalo na sa 145.36 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 145,366,079 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 32,669,121 cases.

Sumunod na rito ang India na may 16,263,695 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 14,172,139 naman ang kaso sa Brazil habang 5,408,606 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,736,121
– Turkey – 4,501,382
– United Kingdom – 4,398,431
– Italy – 3,920,945
– Spain – 3,456,886
– Germany –  3,238,054
– Argentina – 2,796,768
– Poland – 2,731,256
– Colombia – 2,720,619
– Iran – 2,335,905
– Mexico – 2,319,519
– Ukraine – 2,004,630

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,085,913 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 123,648,581 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...