P65M halaga ng smuggled medical supplies, cosmetics nabuking sa Binondo warehouse

By Jan Escosio April 23, 2021 - 02:11 PM

BOC PHOTO

Natunton ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Binondo, Maynila ang may P65 milyong halaga ng smuggled medical supplies.

Nabatid na noong nakaraang Miyerkules ikinasa ng Customs Intelligence and Investigation Service ang operasyon.

Sinabi ni Alvin Enciso, ang namumuno sa BOC – CIIS, nadiskubre nila sa bodega ang mga pekeng face masks at respirators, bukod sa mga make-up at skin care items, luxury goods at electronic items.

Aniya napatunayan na ang mga nakumpiskang medical supplies at cosmetic products ay wala rin permiso ng Food and Drug Administration para ibenta sa bansa.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang nagpasok sa sa Pilipinas ng mga naturang kontrabando.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.