Mga kapos na may-sakit pinalalapit sa Malasakit Centers

By Jan Escosio April 23, 2021 - 12:16 PM

Ipinaalala ni Senator Christopher Go na maaring lumapit sa Malasakit Centers ang mga nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot sa mga ospital.

Ginawa ng senador ang paalala dahil sa dumadaming bilang ng mga nangangailangan ng atensyong-medikal dahil sa kasalukuyang pandemya.

Diin niya dapat samantalahin ang medical assistance programs na inaalok sa 102 Malasakit Centers sa buong Pilipinas.

“Ito lang po ang tandaan niyo: basta Pilipino ka, qualified ka po sa Malasakit Center. Wala ng tanong diyan, basta, unang-una, poor and indigent patients…  nasa mga public hospital po ‘yang Malasakit Center,” dagdag paalala pa nito.

Aniya ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan maaring humingi ng tulong pinansiyal mula sa apat na ahensiya, DOH, DSWD, Philhealth at PCSO.

Sinabi pa ni Go na ang layon ng Malasakit Center ay wala ng babayaran ang mga mahihirap na pasyente at kung hindi kakayanin ng apat na nabanggit na ahensiya ay maaring sumaklolo na ang Office of the President.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.