Ang made in China na CoronaVac ang itinurok kay Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon sa DOH ang pagpapabakuna ng Sinovac vaccine kay Duque ay pagpapakita ng kaligtasan ng bakuna, gayundin ang kahalagahan ng bakuna bilang proteksyon sa 2019 coronavirus.
Binakunahan si Duque bilang kabilang sa Priority Group A2 (senior citizens).
Una nang inihayag na hindi maaring iturok sa senior citizens ang CoronaVac, ngunit nagpalabas ng paglilinaw hinggil sa isyung ito ang Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni Duque na dahil sa kakulangan ng suplay, napakahalaga at hindi dapat masayang ang bakuna na dumating sa bansa.
“As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected. Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective,” ang mensahe ni Duque.