May quarantine status ng Metro Manila pag-uusapan pa ng mayors

Nakatakdang magpulong ang 17 mayors ng Metro Manila ukol sa irerekomenda nilang magiging quarantine status ng Kalakhang Maynila sa susunod na buwan.

Ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na lalawigan na kabilang sa NCR Plus bubble ay epektibo hanggang Abril 30.

Nabanggit ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na kasama sa gaganaping pulong ang mga kinatawan ng DOH na inaasahan naman na ipapakita ang datos ng sitwasyon ng COVID 19 cases sa 16 lungsod at isang bayan sa Metro Manila.

Aniya ang magiging rekomendasyon ng pinamumunuan niyang Metro Manila Council ay ibabase sa datos ng DOH.

“Yan ay pag-uusapan mabuti kasi kailangan natin consolidated yung ating data. Hindi partikular na isang siyudad lang kung hindi itong composed ng 16 na siyudad at isang munisipyo all over NCR,” sabi nito.

Nabanggit niya na sa kanilang lungsod ay bumuti ang sitwasyon sa nakalipas na dalawang linggo

Read more...