Hard lockdown, ipatutupad sa limang barangay sa Puerto Princesa

By Angellic Jordan April 22, 2021 - 10:56 PM

Ipatutupad ang hard lockdown sa limang barangay sa Puerto Princesa City, Palawan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ayon sa City Mayor’s Offce ng Puerto Princesa, layon nitong mas mapaigting ang mga umiiral na panuntunan sa loob ng mga idineklra bilang “critical zone” at isinailalim sa ECQ.

Kabilang dito ang mga barangay ng San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose at Sta. Monica.

Sa kasagsagan ng ECQ, mahigpit na ipatutupad ang istriktong home quarantine.

Papayagan lamang lumabas ng bahay ang mga APOR, kung may medical emergency o pagpapabakuna, at kailangan pumunta sa airport para sa flight.

Maari ring makalabas ang isang miyembro ng pamilya kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan kung may quarantine pass. Ngunit, limitado ang magiging galaw nito sa loob ng limang barangay.

Ipagbabawal din ang pagtitipon, maliban kung health services, government services at humanitarian services; pagbisita ng mga residente ng ibang barangay sa loob ng critical zones; at lahat ng uri ng leisure at sports activities.

Maaari namang magbukas sa lugar na nasa ilalim ng hard lockdown ang ospital, grocery store, convenience store, sari-sari store, fruit o vegetable stand, wet o dry market, drug store, water refilling station, food delivery (takeout o drive-thru), public utilities, logistics, mailing at courier services, bangko, sanglaan o money transfer/remittance, gas station, construction, business process outsourcing (basta’t may point-to-point private transport), machine repair at maintenance, media, funeral parlors at government offices.

Epektibo ang hard lockdown mula 12:00, Biyernes ng tanghali (April 23) hanggang 12:00 ng tanghali ng April 30, 2021.

TAGS: COVID-19 response, hard lockdown, Inquirer News, Puerto Princesa hard lockdown, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, hard lockdown, Inquirer News, Puerto Princesa hard lockdown, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.