Inihayag ni Vice President Leni Robredo na negatibo siya sa COVID-19.
“Got my NEGATIVE RT PCR Result just a few minutes ago,” saad ni Robredo sa kaniyang Facebook account.
Sumailalim aniya siya sa strict quarantine sa loob ng kaniyang kwarto nang pitong magkakasunod na araw.
Lumabas lamang aniya siya, Huwebes ng umaga (April 22), para sumasailalim sa RT-PCR test at agad ding bumalik sa kaniyang kwarto habang hinihintay ang resulta.
“The minute I got the result, I went down to greet a Happy Birthday to our Rocco🥳 He is 5 now. Time really flies,” dagdag pa nito.
Kahit negatibo sa nakakahawang sakit, sinabi ni Robredo na inabisuhan siya ng kaniyang doktor na tapusin ang 10-day minimum quarantine period.
“The 8 days passed by so swiftly because we’re all immersed with our Bayanihan E-Konsulta operations,” aniya pa.