Sen. Miriam Santiago, balik kampanya na

By Kathleen Betina Aenlle April 14, 2016 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Matapos panandaliang magpahinga at sumailalim sa clinical trial para sa gamot kontra cancer, balik kampanya na si presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Tumungo si Santiago kasama ang kaniyang ka-tandem na si vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos sa Iloilo City na hometown ng senadora.

Pakiramdam ni Santiago, bagaman mas mahina siya ngayon kumpara sa normal na kalagayan niya, mukhang umeepekto naman aniya ang gamot na ibinigay sa kaniya.

Ganoon man ang pakiramdam niya, iba naman ang nakita sa kaniya ng mga nakaharap niya sa kampanya dahil kung ikukumpara sa anim na nauna niyang paglabas sa publiko para mangampanya, ito ang pagkakataon kung saan siya pinakamalakas.

Nakaya pa kasi ni Santiago na maglakad nang walang alalay, at bitbit niya pa ang kaniyang handbag habang papasok sa kaniyang hotel.

Huling lumabas sa publiko si Santiago noong March 4 sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City.

Ang pagtungo naman nina Santiago at Marcos sa University of the Philippines Iloilo ang ikatlong beses na humarap sila sa publiko na magkasama.

Noong nakaraang buwan nagpaalam si Santiago na pansamantala siyang mamamahinga para sumailalim sa clinical trial ng isang anticancer treatment na aniya’y magkakahalaga ng kalahating milyong piso, kada tatlong linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.