Bilang ng nasawi dahil sa #BisingPH, nasa apat na; 13 sugatan

By Angellic Jordan April 22, 2021 - 07:44 PM

Photo credit: Governor Migz Villafuerte/Facebook

Umabot na sa apat ang mga nasawi habang 13 ang nasugatan dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Base sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ito sa bahagi ng Regions 5, 7, 8, at 11.

Nasa 60,601 pamilya o 235,752 katao naman sa 965 barangay sa Regions 2, 5, 8 at CARAGA ang naapektuhan ng bagyo.

Sa nasabing bilang, 4,511 pamilya o 18,603 indibiduwal ang nananatili sa 252 evacuation centers at 6,269 pamilya o 24,470 katao ang nanunuluyan sa kani-kanilang kaanak o kaibigan.

Samantala, 63 munisipalidad at lungsod sa Region 5, 7 at 8 ang nakaranas ng power interruption.

Ayon pa sa NDRRMC, 1,030 bahay ang napinsala kung saan 86 ang totally damaged habang 944 ang partially damaged sa Regions 5, 8 at CARAGA.

Aabot naman sa P21,663,400.50 ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Regions 5 at 8.

TAGS: Bising aftermath, Bising effect, BisingPH, Inquirer News, NDRRMC, Radyo Inquirer news, Bising aftermath, Bising effect, BisingPH, Inquirer News, NDRRMC, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.