Karagdagang 500,000 doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

By Angellic Jordan April 22, 2021 - 07:42 PM

AFP photo

Dumating na Pilipinas ang 500,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac Biotech Ltd., Huwebes ng hapon (April 22).

Lulan ang mga bakuna ng Philippine Airlines (PAL) flight.

Ito ang ikatlong batch ng Sinovac vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Bahagi ito ng 25 milyong CoronaVac COVID-19 vaccines na binili ng bansa.

Dahil dito, umabot na sa 3,525,600 ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na dumating sa bansa.

Samantala, may inaasahan pang dagdag na 500,000 doses ng Sinovac vaccines at 480,000 doses ng Sputnik V sa April 29.

TAGS: CoronaVac, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sinovac, CoronaVac, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.