Mas maraming base militar, ipapahiram sa US

 

Inquirer file photo

Bukod sa unang limang base militar na ipapagamit sa mga sundalong Amerikano, may iba pang ipapahiram sa mga ito sa hinaharap.

Ito ang inanunsyo ni US Defense Secretary Ashton Carter kasabay ng pagbisita nito sa mga Sundalong Amerikano na nakikilahok ngayon sa Balikatan exercises sa bansa.

Kabilang aniya sa mga military bases na bibigyan ng access ang US forces ay isang base militar na malapit sa South China Sea.

Una na aniyang nagkasundo ang Pilipinas at Amerika sa posibilidad na ipagamit pa sa kanila ang karagdagang military bases kung dumating ang panahon na ito ay kanilang hilingin.

Una nang napagkasunduan na papayagan ang mga tropa ng Amerika na gamitin ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan na 300 kilometro lamang ang layo mula sa Mischief reef na hawak ng China simula pa noong 1990.

Ipapagamit rin ang Basa Air Base na nasa 330 kilometro ang layo sa Scarborough Shoal .

Read more...