Ito ang pinakamataas na single-day increase sa nasabing rehiyon.
Ayon sa DOH CHD-Bicol hanggang sa araw ng Miyerkules, April 21, umabot na sa 6,952 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,456 o 20.94 porsyento ang aktibong kaso.
Asymptomatic naman ang 31.59 porsyento sa mga pasyente, 33.86 porsyento ang mild, 2.06 porsyento ang severe habang 0.34 porsyento ang kritikal.
Nasa 81 ang gumaling kung kaya 5,229 o 75.22 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol.
Apat naman ang bagong nasawi at dahil dito, 267 o 3.84 porsyento na ang bilang ng COVID-19 death sa rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES