166 bagong COVID-19 cases, naitala sa Bicol; pinakamataas na single-day increase

By Angellic Jordan April 22, 2021 - 05:48 PM

Nakapagtala ng 166 pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ito ang pinakamataas na single-day increase sa nasabing rehiyon.

Ayon sa DOH CHD-Bicol hanggang sa araw ng Miyerkules, April 21, umabot na sa 6,952 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,456 o 20.94 porsyento ang aktibong kaso.

Asymptomatic naman ang 31.59 porsyento sa mga pasyente, 33.86 porsyento ang mild, 2.06 porsyento ang severe habang 0.34 porsyento ang kritikal.

Nasa 81 ang gumaling kung kaya 5,229 o 75.22 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol.

Apat naman ang bagong nasawi at dahil dito, 267 o 3.84 porsyento na ang bilang ng COVID-19 death sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.