Sinabi ito ni FDA Dir. Eric Domingo sa online hearing ng House Committee on Good Government hinggil sa umano’y kwestyonableng guidelines at mga polisiya ng Department of Health (DOH) at ng FDA na nagiging sagabal sa pagbibigay sa serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.
Gaya sa dalawang nauna, hindi rin tinukoy ni Domingo kung anong ospital ang nabigyan ng CSP para sa Ivermectin.
Binanggit rin nito na mayroon pang isang application na nakabinbin sa kanila.
Sa pagdinig ng Kamara, muling iginiit ng mga kongresista sa FDA na bilisan ang proseso para magamit ang Ivermectin sa mga nahawa ng COVID-19 dahil marami nang testimonya na nakatutulong itong magpagaling.
Nag-commit naman si Dir. Domingo sa mga mambabatas at inulit na hindi sila kontra sa naturang gamot at kailangan lang sundin ang national guidelines