Pyansa kay Napoles, ikinagalit ng mamamayan

By Kathleen Betina Aenlle April 14, 2016 - 04:19 AM

Inquirer file photo

Nanggigil ang publiko nang lumabas ang mga ulat tungkol sa pagpayag ng dalawang dibisyon ng Sandiganbayan na makapagpyansa ang negosyante at tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim-Napoles.

Martes nang maglabas ng resolusyon ang Sandiganbayan Fourth at Fifth Division na nagpapahintulot sa hiling ni Napoles na makapagpyansa sa mga kasong plunder laban sa kaniya kaugnay sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Mainit ang mata ng publiko kay Napoles na itinuturong mastermind ng pagnanakaw ng P10-bilyon sa kaban ng bayan gamit ang mga pekeng foundations at ghost projects.

Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III na nag-imbestiga sa pork barrel scam, naiintindihan niya ang galit at pag-kwestyon ng publiko sa naging desisyon ng anti-graft court.

Dahil dito, hinimok niya ang prosekusyon at ang korte na mag-ingat at ayusin ang paglalabas ng mga ebidensya at ang paglilitis dahil pera at tiwala ng bayan ang nakataya dito.

Sobrang dismayado rin si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa desisyon ng Sandiganbayan, at posible pa aniyang magkaroon ng “domino effect” ito sa iba pang kaso ng pork barrel.

Ikinalungkot naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagkakaroon ni Napoles ng tsansang makapagpyansa, habang may 79 na mga magsasaka sa Kidapawan ang nananatiling nakakulong dahil lang sa paghingi ng tulong sa pamahalaan.

Gayundin ang naging opinyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, kahit pa hindi naman talaga makaka-alis sa kulungan si Napoles dahil may mga ibang kaso pa siyang kinakaharap sa ibang dibisyon.

Mismong mga abogadong tulad nina dating Integrated Bar of the Philippines president Vicente Joyas at National Union of Peoples’ Lawyers secretary general Edre Olalia, maging si Rep. Carlos Zarate ang naniniwalang sumasalamin ito sa butas at kapalpakan sa sistema ng hustisya dito sa ating bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.