BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 107,988

Mahigit 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (April 22), pumalo na sa 971,049 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 107,988 o 11.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,767 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 0.55 porsyento ang moderate; 0.9 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 105 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 16,370 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 17,138 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 846,691 o 87.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...