Day of Prayer ng Archdiocese of Manila para sa mga nasawi dahil sa COVID-19, suportado ng Palasyo
Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang ikinakasang Day of Prayer ng Archdiocese of Manila sa Mayo 8 para sa mga namatay sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, suportado ng pamahalaan ang lahat ng inisyatibo na may kaugnayan sa panalangin.
Hindi maikakaila, ayon kay Roque, na kayang gumawa ng himala ng panalangin.
“We support all prayer initiatives, because we know that prayers can remove mountains,” pahayag ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na bilang isang biktima ng COVID-19, malaking tulong sa kanya ang panalangin.
“Suportado po natin iyan bilang isang biktima ng COVID din po, nagpapasalamat ako doon sa mga nagdasal para sa ating paggaling at iniengganyo ko po ang lahat na ipagdasal po natin lahat noong ating mga kababayan na mayroon pong sakit na COVID-19,” pahayag ni Roque.
Isasagawa ang Day of Prayer sa ng 9:00 ng umaga sa Manila Cathedral.
Ayon kay Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo, iaalay ang misa sa libu-libong namatay sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.