Head pathologist ng Makati Medical Center, pumanaw dahil sa COVID-19

Photo credit: Makati Medical Center/Facebook

Pumanaw ang pinuno ng Pathology and Laboratories Department ng Makati Medical Center na si Dr. Jose Maria Avila dahil sa COVID-19.

Sinabi ng MMC na isa si Avila sa nangunguna sa paglaban ng ospital sa pandemic, sa pamamagitan ng pagtitiyak na maayos ang serbisyo ng departamento sa mga pasyente.

“Losing another one of our physicians to COVID-19 is yet another painful reminder of what this pandemic is taking away from us: a brilliant pathologist, a passionate leader, a beloved family, and a devoted friend,” pahayag ng ospital.

Sinabi ng MMC na mananatili ang mga alaala at legasiya ni Dr. Avila.

Pumanaw si Dr. Avila sa edad na 62.

Read more...