Magnitude 5.7 lindol, yumanig sa Zamboanga Del Norte

By Jay Dones April 14, 2016 - 04:16 AM

 

Mula sa Phivolcs

Tinamaan ng magnituide 5.7 na lindol ang Zamboanga Del Norte kaninang alas 2:21 ng madaling araw, Huwebes.

Ayon sa inisyal na report mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometro sa hilagang-kanluran ng bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte.

May lalim itong 15 kilometro.

Dahil sa lindol, naramdaman ang Intensity 5 na pagyanig ng lupa sa hanggang sa Zamboanga City.

Wala pa namang iniuulat na pinsala sanhi ng naturang pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.