Isasagawa ang pulong sa ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia sa Sabado, April 24.
“The Philippines strongly supported the convening of the Meeting even without the full attendance of all ASEAN Leaders,” saad sa inilabas na pahayag ng DFA.
Sinabi ng kagawaran na tatalakayin sa pulong ang mga hakbang para tugunan ang recovery efforts, sitwasyon sa Myanmar, ASEAN community buidling efforts, external relations, at regional at international issues.
Ipararating ng Pangulo, sa pamamagitan ni Locsin, ang pangako ng Pilipinas sa collective efforts ng ASEA sa pagtugon sa mga banta at pagsubok sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
“Secretary Locsin will also express the Philippines’ strong support to the initiative of Brunei Darussalam and the Secretary-General of ASEAN to use their good offices, in accordance with the ASEAN Charter, to visit Myanmar and spearhead ASEAN’s response to the crisis in Myanmar,” dagdag pa nito.
Nagdesisyon ang Pilipinas na manatili sa bansa upang tugunan ang mga problema sa pagtaas ng COVID-19.
Sa datos hanggang April 21, 2021 nasa 116,434 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.