Duterte, itinalaga si Locsin bilang kaniyang special envoy sa ASEAN Leaders’ meeting
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang kaniyang special envoy sa nakatakdang ASEAN Leaders’ meeting.
Isasagawa ang pulong sa ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia sa Sabado, April 24.
“The Philippines strongly supported the convening of the Meeting even without the full attendance of all ASEAN Leaders,” saad sa inilabas na pahayag ng DFA.
Sinabi ng kagawaran na tatalakayin sa pulong ang mga hakbang para tugunan ang recovery efforts, sitwasyon sa Myanmar, ASEAN community buidling efforts, external relations, at regional at international issues.
Ipararating ng Pangulo, sa pamamagitan ni Locsin, ang pangako ng Pilipinas sa collective efforts ng ASEA sa pagtugon sa mga banta at pagsubok sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
“Secretary Locsin will also express the Philippines’ strong support to the initiative of Brunei Darussalam and the Secretary-General of ASEAN to use their good offices, in accordance with the ASEAN Charter, to visit Myanmar and spearhead ASEAN’s response to the crisis in Myanmar,” dagdag pa nito.
Nagdesisyon ang Pilipinas na manatili sa bansa upang tugunan ang mga problema sa pagtaas ng COVID-19.
Sa datos hanggang April 21, 2021 nasa 116,434 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.