#BisingPH, napanatili ang lakas; Batanes at ilang parte ng Cagayan, nakataas pa sa Signal no. 1
Napanatili ang lakas ng Typhoon Bising habang kumikilos sa Silangang bahagi ng Bayanes.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Calayan, Cagayan o 320 kilometers Silangan ng Basco, Batanes dakong 10:00 ng umaga.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong Hilaga Hilagang-Silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.
Narito naman ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:
– Batanes
– Northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands
Ayon sa weather bureau, inaasahang unti-unti nang hihina ang bagyo.
Maaaring bumaba sa severe tropical storm category ang bagyo sa Biyernes, April 23, at tropical storm category naman sa Sabado, April 24.
Patuloy naman itong kikilos palayo sa kalupaan ng Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng gabi, April 24, o Linggo ng madaling-araw, April 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.