Gobyerno hinihimok ni Sen. Bong Go na ikunsidera ang lahat ng maaring gamot kontra COVID-19

Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa gobyerno kung maari ay makipag-usap sa mga eksperto at sa mga nagsusulong ng maaring solusyon sa isyu ng gamot laban sa COVID-19.

Umapila ang senador na kung maari ay seryosong pag-aralan ang mga maaring benepisyo ng ibang sinasabing gamot tulad ng Ivermectin.

Agad din naman nilinaw ni Go na wala siyang isinusulong na partikular na posibleng gamot.

“Let me clarify that I am not advocating for the use of any specific drug. We have regulatory processes in place that must be followed to protect the welfare of the public. However, we must keep an open mind so that Filipinos can be given access to any drug that may help prevent or cure COVID-19 as long as it has undergone the right process and is scientifically proven safe and effective,” paliwanag niya.

Kasabay nito, pinuna ng senador ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa pakikipagharap ng gobyerno sa pandemya.

“Let us show the world that no crisis can break the spirit of the Filipino people,” dagdag pa niya.

Read more...