Naghain ng resolusyon si Senator Francis Pangilinan para maamyendahan ang Magna Carta for Public Health Workers o ang Republic Act 7305.
Paliwanag ni Pangilinan, sa inihain niyang Senate Bill 2142, nais niya na madagdagan ang allowances at iba pang benepisyo ng public health workers.
Nais niya na madagdagan pa ng 10 porsiyento ng kanilang regular na sahod ang night differential ng public health workers sa bawat oras ng kanilang duty sa gabi at katulad din na pagtaas sa kanilang overtime pay.
Bukod pa dito ang P300 subsistence allowance kada araw, P500 laundry allowance na ngayon ay P125 lamang.
Gusto rin ni Pangilinan na bigyan ng P10,000 monthly hazard pay ang public health at ang halaga ay maaring madagdagan pa ng health secretary dependa sa pangangailangan.
“Malinaw na hindi sapat ang compensation para sa ating public health workers lalo na ngayong pandemya. Sila na nga ang nahaharap sa panganib, hindi pa mapunan ang kanilang mga pangangailangan upang, unang una, maging ligtas habang nasa frontlines at pangalawa, mabigyan ng katumbas na pasahod ang kanilang serbisyo,” sabi pa ng senador.