Oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terrorism Law itutuloy sa Abril 27
Itutuloy na ang pagsasagawa ng oral arguments para sa mga petisyon na kontra sa Anti-Terrorism Law.
Sa inilabas na abiso ng Korte Suprema, sa Abril 27 ganap na alas-2:30 ng hapon isasagawa ang oral arguments, kung saan inaasahan na ilalatag ng Office of Solicitor General ang kanilang posisyon ukol sa batas.
Isasagawa ang debate sa pamamagitan ng video conferencing, kung saan dalawang mahistrado, dalawang amici curiae, tatlong abogado sa bawat 37 petitioners at pitong abogado mula sa OSG ang maari lang makibahagi.
Limitado rin lang sa live audio streaming ng oral arguments ang mangyayari sa pamamagitan ng YouTube.
Ilang beses nang naantala ang debate bunga ng sitwasyon ng COVID 19 cases sa Korte Suprema na sinundan pa ng dalawang linggo na pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinimulan ang oral arguments noong Pebrero 2 sa batas na naging epektibo simula noong Hulyo 3, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.