Community pantry sa Maynila hindi dapat pakialaman ng MPD

By Chona Yu April 22, 2021 - 09:35 AM

(Courtesy: Manila PIO)

Inatasan n ani Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Police District na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat na gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19.

Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila naa ititigil na nila ang operasyon sa pangambang maiugnay sa makakaliwang grupo.

Ayon kay Mayor Isko, maaring magbukas ulit ang Pandacan community pantry at suportado ito ng lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Mayor Isko na maaring bumisita sa city hall ang mga organizer ng community pantry kung nakararanas ng problema.

Nakaka-proud aniyia ang mga taga-Maynila dahil lumalaganap sa lungsod ang pagmamalasakit sa kapwa.

 

TAGS: community pantry, Maynila, Mayor Isko Moreno, MPD, pandacan, community pantry, Maynila, Mayor Isko Moreno, MPD, pandacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.