Niyanig ng malakas na magnitude 6.9 na lindol ang bansang Myanmar, Miyerkules ng gabi.
Sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig hanggang sa eastern India at Bangladesh.
Ilan sa mga gusali sa main City na Yangon at mga lugar namalapit sa sentro ng lindol ang yumanig bagamat wala pa namang inulat na mga gusaling gumuho.
Marami rin sa mga residente ang nagsitakbuhan palabas ng kanilang mga bahay sa pangambang maguhuan ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang episentro ng lindol sa 396 kilometro ang kayo mula sa kabisera ng Myanmar na Naypyidaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.