Red Cross-DLS-CSB isolation facility, operational na

Photo credit: Sen. Richard Gordon/Twitter

Operational na ang Philippine Red Cross – De La Salle – College of Saint Benilde isolation facility, ayon kay PRC chair at Senator Richard Gordon.

Simula 7:00, Miyerkules ng gabi (April 21), nakapag-admit na aniya sa naturang pasilidad ng ilang asymptomatic na COVID-19 patients mula sa referral ng Manila City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Bawat pasyente ay bibigyan aniya ng quarantine kit at arawang suplay ng pagkain.

Sinabi ni Gordon na mayroon ding access ang mga pasyente sa Telemedicine kung kakailangang kumausap ng doktor.

May mga nakatalaga rin aniyang nurse upang matutukang ang kondisyon ng mga pasyente.

Read more...