Bilang ng nabigyan ng ‘ECQ ayuda’ sa Maynila, higit 297,000 na
Tuloy pa rin ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng Enhanced Communit Quarantine (ECQ) sa Maynila.
Sa huling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 21), umabot na sa 297,581 pamilya ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ‘ECQ ayuda’ mula sa national government.
Ang nasabing bilang ay katumbas ng 78 porsyento ng kabuuang benepisyaryo ng ayuda.
Naipamahagi ang financial aid sa nasabing bilang ng benepisyaryo sa Maynila sa loob lamang ng 15 araw.
Nagtungo ang mga kawani ng MDSW sa distribution areas sa anim na distrito ng lungsod.
Mahigpit ang pagtalima sa minimum health protocols sa mga distribution area.
Pinayuhan naman ang iba pang benepisyaryo na hintayin lamang ang pagdating ng MDSW staff sa kanilang komunidad sa mga susunod pang araw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.