Bilyonaryong kandidato nagsimula ng mamili ng boto – Wacky Leaks ni Den Macaranas

April 13, 2016 - 11:25 PM

 

den-macaranas1Garapalan at lantaran na ngayon ang bilihan ng boto sa isang lugar sa Central Luzon.

Kung dati ay simplehan lang at patago ang pagbili ng boto ngayon ay tila open arms ang pagtanggap ng isang mag-asawang Bilyonaryo sa mga kababayan nila na willing magbenta ng magpabayad kapalit ng pangalan sa balota.

Kung dati ay sarado ang gate ng kanilang mansion tuwing araw ng Linggo at Lunes para sa bilihan ng boto ngayon ay 7-days a week na ang kanilang pangongolekta ng suporta kapalit ng P1,000 kada boto.

Sinabi ng ating Cricket na napasubo na sa malaking gastos ang mag-asawang kandidato kaya itinuloy na nila ito.

Nagsimula ang bayarabln sa pamamagitan ng pagbili sa suporta ng buong konseho sa kanilang lugar kaya naman lumipat ang halos lahat ng konsehal ng suporta sa kanilang kandidatura pati na rin ang vice-mayor.

Gusto nilang sungkitin ang local governance sa kanilang lugar para sa dagdag na kapangyarihan.

Hindi naman daw isyu ang pera pero mas nakatutok sila sa prestige ng pagiging lider ng pamahalaan.

Pero kahit na nagpapaulan sila ng pera marami pa rin ang kumbinsido na hindi sila magiging maayos na public servants sa hinaharap.

Suplada daw kasi at matapobre si Madam samantalang hindi naman marunong makibagay sa mga simpleng tao si Sir at halata daw ito sa kanilang ginagawang pangangampanya sa kasalukuyan.

Kahit na anong ngiti ang kanilang gawin ay halata ayon sa ating Cricket na itinatago nila ang kanilang tunay na saloobin kapag mga ordinaryong tao na ang kanilang mga kaharap.

Ang tingin nila sa lahat ng mga bagay ay may katapat na halaga at yun din ang kanilang tingin pati na sa mga tagasuporta na halos magpakamatay maitaguyod lang ang kanilang kandidatura.

Since pareho silang kandidato kaya naman sabay ang mag-asawa sa kanilang ginagawang panunuyo ng boto.

Aminado ang ating Cricket na siya ang nahihirapan sa pagpa-panggap ng mag-sweetheart lalo na kapag may lumalapit sa kanilang mga mahihirap na tagasuporta.

Hindi rin sila pumapasok sa mga depressed areas sa kanilang lugar dahik bumabaliktad daw ang tiyan ni Madam.

Hindi na kailangan ang clue, gipit ka ba at kailangan ang pera? Tiyak na dun ka pupunta sa kanilang negosyo lalo na kung may alahas ka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.