Bello, ipinanukala na ibalik ang dating protocols para sa pauwing OFWs

By Angellic Jordan April 21, 2021 - 10:00 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Ipinanukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibalik ang dating quarantine at testing protocols para sa mga pauwing overseas Filipino worker (OFW).

Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng kalihim na maraming OFW ang nagrereklamo sa tagal ng pananatili sa isolation facilities.

Base sa bagong protocol, isasailalim sa swab test ang OFW sa ika-limang araw nito sa isolation.

Ipinunto ni Bello na ang COVID-19 positivity rate ng returning OFWs ay nasa 2.07 porsyento lamang sa taong 2020, habang 1.5 porsyento naman sa 2021.

“Kaya nga kami’y nakikiusap sana, Mr. President, na kung maari we go back to the original protocol noon.. na pagdating ng ating OFWs, swab [test] agad sila. Then quarantine sila for five days while waiting for the result of the RT-PCR test. Kapag negative sila, then they can be transported to their final destination,” ani Bello.

Paliwanag nito, “Kasi, Mr. President, aside from the economic consideration, these OFWs have long missed their homes. Ang tagal nila abroad, kumikita, naghihirap para lamang kumita para sa pamilya nila. Ngayon, inuwi natin sila and they have to stay for almost 14 days in quarantine. Notwithstanding the fact that after five days, they’ve been found negative.”

Inihayag pa ng kalihim na nahihirapan ang mga OFW.

“Talagang hirap na hirap sila, Mr. President. We cannot close our eyes to the misery of our OFWs.”

TAGS: Inquirer News, quarantine protocols, Radyo Inquirer news, returning OFWs, Silvestre Bello III, testing protocols, Inquirer News, quarantine protocols, Radyo Inquirer news, returning OFWs, Silvestre Bello III, testing protocols

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.