Duterte sa panukalang ibalik ang dating quarantine at testing protocols sa mga pauwing OFW: “I am not ready for a compromise”
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya handang payagan ang mas maluwag na quarantine at testing protocols sa mga pauwing overseas Filipino worker (OFW) sa bansa.
“I cannot compromise. There is no compromise here. ‘Di ako magko-compromise,” pahayag ng Pangulo sa kaniyang public address, Miyerkules ng gabi (April 21).
Ipinanukala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibalik ang dating protocol kung saan isasailalim agad sa swab test ang mga OFW pagkadating ng bansa at bawasan ang araw ng quarantine period sa mga isolation facility.
“I am not ready for a compromise lalo na ngayon. ‘Yung ibang sakit siguro, pwede pa ‘yung mga rabies. Pero ito talagang as I have said, dapo rito, dapo roon,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Kasama naman sa pulong ang ilang health experts upang talakayin ang hirit ni Bello.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.