Ilang bahagi ng EDSA, aayusin ng DPWH sa weekend

Inquirer file photo

Magkakasa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking and repair sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gagawin ang pagsasaayos simula sa Biyernes hanggang Linggo, April 23 hanggang 25, 2021.

Narito ang mga apektadong kalsada:
– EDSA, mula Dario Bridge hanggang Landers, first lane mula sa sidewalk, northbound
– Agham Road, sa harap ng Office of the Ombudsman, second lane mula sa center island. (Maaaring dumaan sa North Avenue, Quezon Avenue, at EDSA bilang alternatibong ruta.

Maaari nang daanan ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada sa araw ng Lunes, April 26.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...