Sen. de Lima: Gobyerno mistulang napa-praning sa pagsulpot ng mga community pantry

By Jan Escosio April 21, 2021 - 06:05 PM

Kuha ni Erwin Aguilon/Radyo Inquirer On-Line

Humingi si Senator Leila de Lima ng suporta mula sa publiko para kay Ana Patricia Non, ang nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.

Nagbunsod ang panawagan ni de Lima sa napaulat na ‘red tagging’ at ‘harassment’ kay Non.

Duda ng senadora, mistulang napa-praning na ang gobyerno sa pagsulputan ng mga community pantry dahil aniya, malalantad ang mga kapalpakan at mabagal na pagkilos para maibsan ang paghihirap ng mamamayan.

Dagdag pa niya, sa gobyerno ngayon, ang anumang kabutihan na nagmumula sa mamamayan ay tinitingnan sa bansa.

“Takot na takot sa sariling multo kaya kailangan pakilusin ang kanyang kapulisan upang mapigilan ang tuluyang paglalantad sa kanilang kapalpakan,” pagdidiin ni de Lima.

Kaya’t panawagan niya, suportahan si Non at iba pang nagpapasimula ng community pantry sa kani-kanilang lugar.

“Defend our community pantries. Resist the regime’s attempt to deprive people of the right to live a life with dignity. Itaguyod ang pagdadamayan at tunay na bayanihan,” sabi pa ng senadora.

TAGS: community pantry, Inquirer News, Maginhawa Community Pantry, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, community pantry, Inquirer News, Maginhawa Community Pantry, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.