Learning resource portal ng DepEd, inilunsad na

Pormal nang inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Learning Resource Portal.

Sa pangunguna ng Bureau of Learning Resource (BLR), pinasinayaan ang naturang portal na makatutulong sa mga mag-aaral, guro at mga kawani.

Sa pamamagitan ng DepEd Learning Resource Portal, maari nang ma-access ang iba pang learning at teaching materials na magagamit sa pagpapatupad ng distance learning.

Layon nitong mapaunlad ang mga mag-aaral at guro sa ilalim ng iba’t ibang learning delivery modality.

Hinikayat ng kagawaran ang publiko na magparehistro sa naturang portal. Narito ang link: https://lrmds.deped.gov.ph/

Read more...