Mga pangunang doses ng bakuna ng Sputnik V, darating na ng bansa sa April 22

By Erwin Aguilon April 21, 2021 - 05:37 PM

Photo grab from Reuters photo

Darating na sa bansa ang paunang doses ng Sputnik V ng Gamaleya mula sa Russia sa araw ng Huwebes, April 22.

Sa pagdinig ng House Committee on Health at Trade and Indusatry, sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na paunang 15,000 na doses ng Sputnik V ang darating na bahagi ng roll out trial.

Sa April 29 naman aniya darating ang 480,000 doses ng Sputnik V.

Bukod sa Sputnik V, darating din sa bansa ang karagdagan pang 500,000 doses ng Sinovac.

Inaasahan naman na sa katapusan ng Abril ay darating na rin sa bansa ang 195,000 doses na COVID-19 vaccines ng Pfizer.

Sa second quarter ng taon o hanggang Hunyo ay inaasahan pa ang pagdating ng dagdag na suplay ng bakuna mula Sinovac, Sputnik V ng Gamaleya, Pfizer, Moderna at AstraZeneca.

Samantala, umabot na sa 1.353 milyong Pilipino ang nabakunahan mula sa 1,562,563 na bakunang naibigay sa bansa.

Sa naturang bilang, ang nakatanggap ng first dose ay nasa 989,703 na A1 priority list; 132,948 ang nasa A2; at 180,315 mula sa A3 category.

Mayroon namang 209,456 mula sa A1 category ang nakatanggap ng second dose.

TAGS: Carlito Galvez Jr., COVID-19 vaccination, Gamaleya, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sputnik V, Carlito Galvez Jr., COVID-19 vaccination, Gamaleya, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sputnik V

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.