Mahigit 100,000 indibidwal, target mabakunahan ng pamahalaan kada araw
Mahigit 100,000 indibidwal sa Metro Manila ang target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19.
Sa joint hearing ng House Committee on Health at Trade and Industry, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na 120,000 na mga Pilipino kada araw ang target nilang mabakunahan kung may 3.3 million doses ng bakuna ang available sa kada buwan.
Ayon kay Galvez, sa 2nd quarter ng taon ay dalawang milyong doses ng bakuna ang darating sa katapusan ng Abril.
Mayroon naman aniyang apat na milyong doses sa Mayo at pito hanggang walong milyon naman sa Hunyo.
Sa kasalukuyan ay pang-apat aniya sa ranking ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 doses na na-administer sa Southeast Asia pero pang-anim naman ang bansa sa doses na naibigay sa kada 100 katao.
Nakikipag-ugnayan na rin, sabi ng opisyal, ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa malls para gawing mega vaccination centers sa oras na dumagsa na sa bansa ang maraming doses ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.