Bilang ng mag-aaral na rehistrado na para sa SY 2021-2022, umabot na sa 3.2-M na
Patuloy pa rin ang early registration para sa School Year 2021-2022.
Sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 20), umabot na sa 3,227,244 na mag-aaral ang nakapagparehistro na sa buong bansa.
Sakop nito ang ilang estudyante sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.
Lumabas din sa datos na naitala ang pinakamataas na bilang ng rehistradong mag-aaral sa Calabarzon na may 328,620; sumunod ang Region 7 na may 313,899; at Region 6 na may 239,427.
Magiging bukas ang early registration hanggang April 30, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.