Pagbili ng COVID-19 booster, pinag-aaralan na ng pamahalaan

PCOO photo

Pinag-aaralan ng gobyerno na bumili ng COVID-19 vaccine booster shots na ginagawa ng Moderna.

Sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang dini-develop na booster ng Moderna ay pwedeng gamitin kahit saang bakuna.

Ipinaliwanag nito na balak nilang ‘yung 5 million doses na parte dapat ng bibilhing bakuna sa Moderna ay gagawin na lang booster.

Ayon kay Galvez, maaaring dumating ang booster shots sa Setyembre o Oktubre sa 2021.

Nasa 20 million doses ng COVID-19 vaccine ang supply agreement ng Pilipinas sa Moderna kung saan 17 million dito ay sa national government habang 3 million ang sa private sector.

Bukod pa dito ang karagdagang 5 million doses na nasa ilalim pa ng negosasyon, at siyang tinutukoy ng opisyal na gagawin na lang booster shots.

Read more...